Saturday, August 23, 2008

Walang Tulugan...(Sana Itinulog ko na lang)

Hay, bakit pa nga naman ako magpapakasosyal sa mga posts ko dito eh alam ko naman na walang magbabasa ng mga posts ko dito kundi ang mga jologs ding tulad ko diba?

Well, pano ko ba sisimulan ang blog na ito? Actually, ang balak ko sana pagkakitaan din itong blog na ito, kaso parang title pa lang - wala nang makukuhang review offers - kaya eto, gagawin ko na lang na diary. hehehe. anyways, katatapos lang ng Master Showman and katatapos lang rin kumanta ni Lord Michael (parang sosyal ang pangalan noh?) ng "..you can run, you can hide..but you can't escape mhy lhaaabbb....", mga ate, diko kinaya! Grabe, mas hamak na mas jologs naman sakin yun! Naglilipsynch na nga lang si kuya nahuhuli pa. Feel na feel niya yung pagkanta with matching konting sayaw while medyo nahuhulog yung panyo sa ilalim ng bullcap nya. He also is dancing with his back up dancers...nakawhite silang tshirts na me tatak ng pangalan ng dance group nila na halatang sinadyang ipasilk screen sa kanto. Wahahahaah! Kuya Germs, ano nang nangyari? Alam ko jologs ang that's entertainment (pero im an avid fan po) at ang GMA Supershow compared sa ASAP at Pinoy Big Brother ngayon pero kuya naman...sana next time hanap naman po kayo ng maayos ayos na guests utang na loob. Sa sobrang dismaya ko sa dance number na natunghayan ko...eto, pinagaksayahan ko ng panahon at blinog ko. Hahaha. Wag ganun Kuya Germs ha!

Monday, July 28, 2008

Certified Jologs

Aaminin ko...ako na yata ang pinaka jologs na babaeng nagtratrabaho sa call center. Ewan ko ba, diniscribe pa nga ako ng bakla kong kaofficemate na ako ang pinakapalengkerang babaeng nakilala niya sa buong buhay nya. Palengkera na kung palengkera, jologs na kung jologs...basta, nagpapakatotoo lang ako...Kung pagiging jologs man o pagiging palengkera man ang tawag dun sa pagiging totoo...so be it. Basta ikwekwento ko ang buhay ng isang totoo at certified miss jologs. Sana naman me sumubaybay sa kwento ko... =)