Monday, July 28, 2008

Certified Jologs

Aaminin ko...ako na yata ang pinaka jologs na babaeng nagtratrabaho sa call center. Ewan ko ba, diniscribe pa nga ako ng bakla kong kaofficemate na ako ang pinakapalengkerang babaeng nakilala niya sa buong buhay nya. Palengkera na kung palengkera, jologs na kung jologs...basta, nagpapakatotoo lang ako...Kung pagiging jologs man o pagiging palengkera man ang tawag dun sa pagiging totoo...so be it. Basta ikwekwento ko ang buhay ng isang totoo at certified miss jologs. Sana naman me sumubaybay sa kwento ko... =)

0 comments: